Tama ka nga. Mas madalas na magta-Taglish na lang kung sasabihin ang mga decimals. Pero dahil ito ay isang talakayan para sa pag-aaral ng Tagalog at dahil mayroong mga taong gustong matuto ng wastong pananalita, ibinigay ko ang tamang kasagutan. Kung ako ang magsasabi ng mga decimals, English pa rin ang gagamitin ko, kahalo ng Tagalog (Taglish).